Kapulungang Pambansa ng Pilipinas

Ang Kapulungang Pambansa ng Pilipinas[1] (Espanyol: Asamblea Nacional de Filipinas, Ingles: National Assembly of the Philippines) ay ang naging lehislatura ng Komonwelt ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1941 at ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Ang Kapulungang Pambansa noong Komonwelt ay itinatag sa ilalim ng Konstitusyon ng 1935, na nagsilbing saligang-batas ng bansa upang maihanda ito sa napipinto nitong kasarinlan mula sa Estados Unidos. Subalit nang umabot ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko, nagdestiyero sa Estados Unidos ang pamahalaang Komonwelt nang matanto nito na masasakop ng Hapon ang bansa. Naiwan ang mangilan-ilang kawanihan ng pamahalaan na inudyok ng mga Hapones na bumuo ng pamahalaan sa kanilang pagdating. Itinatag ng mga Hapones ang isang naturingang malayang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng Konstitusyon ng 1943, na nagtakda ng isang Kapulungang Pambansa na magsisilbing lehislatura nito. Ang Republikang itinatag sa ilalim ng mga Hapones ay halos kinilala lamang ng mga Alyansang Axis.[2]

  1. "Talumpati ng Kanyang Kadakilaan, Jose P. Laurel, Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa harap ng Gusaling Batasan ng Kapulungang Pambansa, dahil sa kaarawan ng pagpapasinaya sa Republika ng Pilipinas, noong ika-14 ng Oktubre, 1943". Presidential Museum and Library. GOVPH. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-11-28. Nakuha noong 4 Setyembre 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. RMS-GS Interpreter and Translators - Philippines through the Centuries Naka-arkibo 2012-02-07 sa Wayback Machine.. Hinango noong 13 Abril 2007. (sa Ingles)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search